09 Nov 2008 - 02:38:38 am
Biglang tumunog ang chime. Nagtinginan kaagad ang lahat sa pinto, inaasahan nilang may pumasok. Pero wala naman. Sarado pa rin ang pinto. Hindi pa nangyayari kailanman na tumunog ang chime nang walang nagbubukas ng pinto.
Kapag namatay ang mga taong malapit sa atin, hindi maiwasang makaranas tayo ng mga kababalaghan. Pero nakapagbibigay rin naman sa atin iyon ng assurance na mayroon pang buhay pagkatapos ng buhay natin sa mundong ito.
Nang mamatay ang dalawa kong kaibigan sa isang car accident, umaga na nang makarating sa akin ang balitang iyon, samantalang nangyari ang aksidente nang sinundang gabi pa.
Nag-iisa ako noon sa bahay nang tumawag sa akin ang kamag-anak ng isa sa dalawa kong kaibigan. Pareho kong kumare ang mga namatay at alam ng mga kamag-anak ng mga ito na medyo close ako sa kanila. Kaya nga ako natawagan ay dahil nasa phone directory ng kaibigan ko ang aking landline number.
Shocked talaga ako noon dahil ilang araw pa lang ang nakararaan ay magkasama at nagkakuwentuhan pa kami n’ong isa sa dalawang namatay sa publication na pinagsusulatan namin. Lumung-lumo ako. Ayokong tanggapin na patay na sila.
Ang isa sa kanila ay noong gabi pa raw namatay, instant death. Ang pangalawa ay lumaban pa para mabuhay. Umabot ito nang madaling-araw, ngunit binawian din ng buhay.
Biglang tumunog ang telepono habang tahimik lang akong nakaupo sa kusina, nagtatanong pa rin sa sarili kung bakit nangyari iyon. Kinilabutan ako, nanayo ang balahibo. Para bang naramdaman ko na ang tawag na iyon ay hindi ordinaryo.
Alanganing dinampot ko ang receiver ng telepono at idinikit ko iyon sa tainga ko, kapagkuwa’y sabi ko sa nanginginig na tinig: “Hello.”
Ilang saglit na katahimikan.
Pagkatapos niyon ay sumalit ang isang napakasakit sa tainga na ingay na mahirap tukuyin kung ano. Parang isang sigaw iyon na electronically triggered. Para iyong napakatinis at mahabang tunog ng dalawang nagpipingkiang electronic wires.
Biglang tumahimik. Walang tao sa kabilang dulo ng linya. Kilabot na kilabot ako. Bigla kong naisip, lagi ko kasing nakakausap sa telepono ang mga kaibigan kong namatay. Nag-attempt ba sila na kumontak sa akin? Hindi pa rin kaya nila alam na patay na sila; o natutuliro pa ang kanilang mga kaluluwa sa bilis ng mga pangyayari?
Sa buong maghapon na iyon ay nag-iisa lang talaga ako sa bahay. At sigurado ako na ang madalas na pagkurap ng mga ilaw ay hindi rin ordinaryo. Hindi naman kasi iyon nangyayari noon. Kung pupunta ako sa banyo, kukurap-kurap ang ilaw; sa kitchen, ganoon din; sa isa pang banyo, para ding mamamatay ang ilaw. Pulos dasal na lang ang ginawa ko. Alam ko, iyon lang ang kailangan ng dalawa kong kaibigan.
Pagkatapos mailibing ang mga kaibigan ko, isa pang kuwento ang nalaman ng lahat. Kinabukasan daw ng pagkamatay ng isa sa dalawa, nakita pa ng kapitbahay nito na kumukuha ng mga sinampay ang kaibigan ko. Hindi pa alam noon ng kapitbahay na patay na pala ang kaibigan ko noong nagdaang gabi pa. At habang nakaburol naman ang kaibigan kong ito ay may kakaiba ring pangyayari sa opisina ng publication namin.
Ang pinto ng opisina ay may wind chime na tumutunog kapag may nagbubukas ng pinto. Hudyat iyon para sa mga nag-oopisina na may bisitang dumating o pumasok.
Biglang tumunog ang chime. Nagtinginan kaagad ang lahat sa pinto, inaasahan nilang may pumasok. Pero wala naman. Sarado pa rin ang pinto. Hindi pa nangyayari kailanman na tumunog ang chime nang walang nagbubukas ng pinto. Natural, kinilabutan ang mga nasa opisinang iyon.
Pero ang isang naka-ka-touch na kuwento ay tungkol sa ikalawa kong kaibigan at kumare na biktima rin ng aksidenteng iyon. Siya iyong talagang lumaban para mabuhay. May naiwan kasing anak na nasa elementary pa ang kaibigan kong ito—nag-iisang anak kaya siguro mahal na mahal.
Isang malapit na pinsan daw ng namatay ang nakatulog sa pagod dahil sa pagpupuyat sa burol. Katabi nito ang anak ng namatay. Nagising itong bigla, pero agaw-tulog pa rin. Agaw-tulog man, klaro pa rin dito ang nangyayari.
Ang kanang kamay nito ay umaangat sa ere kahit hindi nito ginagalaw. Parang may hindi nakikitang nag-aangat sa kamay nito at dahan-dahang ipinatong iyon sa noo ng batang natutulog, na anak nga ng kaibigan kong namatay.
Takot na takot ang pinsan ng namatay kong kaibigan. Pero nang mahimasmasan ito, naisip nitong iyon ay ginawa ng multo para ipaintindi rito na alagaan at mahalin nito ang bata—isang patunay na ang isang ina, nasa kabilang buhay man ay patuloy pa ring magmamahal at mag-aalala sa kanyang anak.

Syndication
No Comment for this post yet...