09 Nov 2008 - 02:47:36 am
Laking gulat ko nang makita sa monitor na may lalaking nakaupo sa isang computer na nasa likuran ko. Tumayo ako at nilingon iyon
pero wala namang tao roon.
Ito ang kuwento sa likod ng katanungang: Bakit hindi na ako nagbabantay nang mag-isa sa computer shop ng Tito Mar ko at ang 7PM-12 midnight na schedule na pagbabantay ko sa shop ay ipinalipat ko sa mas maaga?
Nagtrabaho ako minsan sa computer shop ng Tito Mar ko. Actually, summer job iyon. Bakasyon noon kaya suhestiyon ng nanay ko—pagkatapos akong mapansing panood-nood lang ng DVD—ay tumao ako sa computer shop ng tito ko para daw may kinikita ako kahit paano.
Isang gabing ako ang tumatao sa shop ay biglang dumating ang Tito Mar ko at ang asawa niyang si Tita Grace. Nakabihis ang mga ito at kinuha ang lahat ng kita sa shop.
“Saan kayo pupunta, Tita?” tanong ko sa kanya.
“Ewan ko sa tito mo. Kakain yata,” sagot niya.
“Wow, take out! Take out!” kantiyaw ni Ato na kasama ko na nagbabantay sa shop.
“Babalik ako mamaya bago mag-alas-dose. Hintayin n’yo na lang ako rito sa loob,” bilin ni Tito Mar sa amin. Siya ang palaging nagsasara ng shop. Malapit lang naman kasi ang bahay nila roon.
Iniwanan kami ni Tito Mar ng pambili ng merienda, saka umalis na sila.
“Ano’ng bibilhin natin?” mayamaya ay tanong ko kay Ato.
“Busog pa ako.”
“Ano ka ba? Pati pagkain, tinitipid mo,” kantiyaw ko sa kanya. “Ako na lang ang ibili mo ng merienda.”
“Saglit lang.”
May ka-chat si Ato sa Internet sa isang bakanteng computer. Nang malaman kong si Michelle iyon—ang nililigawan nito—alam kong mahirap nang awatin ito sa harap ng computer.
Kaya naman ang “saglit” nito ay inabot nang alas-onse y medya.
Pag-alis ni Ato ay sabay-sabay namang nagsi-out ang magbabarkadang nagrerenta kaya naiwan akong mag-isa sa shop.
Pinatay ko ang ilang ilaw, ang video monitor, at ang lahat ng computer maliban sa computer na nasa counter. Pagkatapos ay isinara ko ang pinto. Nakinig ako sa FM station sa computer at sinubukang mag-browse sa Internet.
Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Mula sa counter ay makikita ang nakatayo sa labas ng pinto; hindi nga lang masino dahil frosted glass ang salamin ng pinto. Distorted ang ano mang makikita sa labas ng shop kung titingnan mula roon. Pero alam kong hindi iyon si Ato dahil iba ang kulay ng damit.
Mayamaya ay panay ang pagkatok ng sinumang iyon. Tinungo ko ang pinto at sumenyas na sarado na ang shop. Sa hubog ng katawan ay alam kong lalaki iyon at medyo malaking tao. Ilang segundo pang nanatili siya sa harap bago umalis. Nang lumayo na siya ay saka ko binuksan ang pinto. Hinanap ko siya sa ilang taong naglalakad sa sidewalk sa pamamagitan ng kulay ng damit niya pero wala akong makitang katulad niyon.
Napakibit-balikat na lang ako. Biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang ilang basura sa kalsada kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng shop at muling ini-lock ang pinto.
Inaantok na ako kaya dumukmo muna ako sa counter at pumikit. Mayamaya ay narinig kong may tumitipa sa keyboard. Parang may gumagamit ng computer. Binuksan ko uli ang video monitor para makita ang anumang pagkilos sa loob ng shop. Laking gulat ko nang makita sa monitor na may lalaking nakaupo sa isang computer na nasa likuran ko. Tumayo ako at nilingon iyon pero wala namang tao roon.
Parang tinambol ang dibdib ko sa takot. Nanindig ang mga balahibo ko dahil nasa monitor pa rin ang lalaki. Nakatalikod siya. Sa suot niyang damit ay nakilala kong siya ang lalaking kumakatok sa pinto kanina. Alam kong hindi tao ang lalaki dahil sa monitor lang siya nakikita kaya napatakbo na ako palabas ng shop. Nanginginig ako na parang naiihi. Pagdating ni Ato, saka lang ako nakaiyak sa takot.
Pagpasok namin sa shop, wala na ang lalaki sa monitor.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako naiiwang mag-isa sa shop. Anyway, biro sa akin ni Tito Mar, ang konsolasyon ko raw ay hindi lang ako ang nakaranas ng ganoon kundi maging ang mga katabing computer shop namin.

Syndication
No Comment for this post yet...