09 Nov 2008 - 02:26:19 am
Pagpasok niya roon ay isang masangsang na amoy ang sumalubong sa kanya. Parang babaligtad ang kanyang sikmura. Lalabas na sana siya pero biglang sumara ang pinto.
EXCITED na bumaba ng barko si Mark. Nagmula pa siya sa isang malayong lalawigan sa Mindanao. Ang tanging dahilan ng pagluwas niya ay ang kanyang ka-pen pal na si Nina. Heartbroken siya noong makita niya sa pen pal column ang pangalan nito. Nang sulatan niya ito ay agad naman itong nag-reply. Nag-e-enjoy sila sa kanilang pagsusulatan at nagpapalitan sila ng pagpapadala ng mga pictures. Noong nakaraang taon ay nagsabi itong magbabakasyon sa kanyang probinsiya upang magkita sila nang personal. Subalit hindi iyon natuloy dahil nagkaroon daw ng problema sa pamilya nito. Pagkatapos niyon ay hindi na uli ito sumulat sa kanya. Ang mga sulat na ipinapadala niya rito ay bumabalik sa kanya. Ikinalungkot niya iyon nang labis. Naisip niyang marahil ay lumipat na ito ng tirahan at kinalimutan na siya.
Ngunit noong nakaraang buwan ay nakatanggap uli siya ng sulat mula rito. Nag-sorry ito sa matagal na pagkaputol ng kanilang komunikasyon. Pumunta raw ito sa Amerika kasama ang mga magulang at naging busy ito masyado kaya hindi siya nasulatan.
Bumalik na ako ng Pilipinas, Mark at hindi na muling babalik sa Amerika. Simula ngayon ay hindi ka na muling mangungulila pa dahil pangakong walang-hanggan ang ating pagsusulatan...
Iyon ang nakasaad sa sulat nito sa kanya.
Sa pagkabuhay ng kanilang komunikasyon ay napagtanto niya na nakasalalay rito ang kalungkutan at kasiyahan niya. Muli na naman siyang naging masaya sa pagsusulatan nila. Hanggang sa mapagtanto niya na umiibig na siya rito nang labis.
Kaya naman nang pakiusapan siya ni Nina na lumuwas sa Maynila ay pumayag agad siya. Kahit alam niya na malaki ang kanyang gagastusin sa pagluwas ay hindi niya inintindi. Isa lamang siyang hamak na magsasaka at ang perang baon niya ay halos sapat lamang para sa kanyang pamasahe.
Pero okay lang daw iyon sabi ni Nina. Sa bahay naman daw siya nito titira. Susunduin pa nga raw siya nito sa pier para makasiguro ito na hindi siya maliligaw. Wala raw siyang dapat na intindihin. Malaya raw siyang makakakilos sa pamamahay nito dahil sila lamang dalawa ang titira doon. Permamente na raw ang paninirahan ng mga magulang nito sa Amerika.
Palinga-linga si Mark. Hinahanap niya sa kumpol ng mga tao sa pier si Nina. Hindi niya ito makita. Nagsimula na siyang kabahan nang sumapit ang dilim. Tumatawag siya sa telepono sa bahay nito pero “out of service” ang numero ng teleponong ibinigay nito.
Pinaglaruan ba ako ni nina? naitanong niya sa sarili. Ganoon ang itinatakbo ng isip niya nang masulyapan niya ang isang pamilyar na pigurang papalapit.
“Nina!” bulalas niya. Magkahalong relief at pananabik ang naramdaman niya. Sinalubong niya ito ng yakap. Natigilan siya dahil napakalamig nito.
“May sakit ka ba, Nina?” tanong niya nang matitigan ang mukha nito. Maputla ito at nanlalalim ang mga mata.
“Okay lang ako,” nakangiting wika nito. Iginiya siya nito patungo sa nakaparadang kotse nito. Itim iyon at tinted pa. Noon lang siya nakakita ng ganoong kulay ng kotse. Medyo nag-alangan pa siya nang buksan nito ang pinto ng pasenger seat sa harapan.
Habang nagbibiyahe ay walang kibo si Nina. Nakatuon sa pagmamaneho ang atensiyon nito. Nailang siyang kausapin ito. Parang kay layo ng personalidad nito kompara sa personalidad na nabuo sa isipan niya base sa mga sinasabi nito sa sulat.
Para kasing napakamasayahin nito sa sulat. Parang napakakalog. Hindi ko akalain na ganito pala siya kaseryoso, naisaloob niya.
Ilang sandali pa ay pumasok ang kotse sa loob ng isang kulay-tsokolateng gate. Wow! Napaka-hightech na talaga ng mga bahay rito sa Maynila, sa loob-loob niya. Kusa kasing bumukas at sumara ang gate.
Ngunit nang makapasok ang kotse sa garahe ay nagulat siya dahil wala na si Nina sa driver’s seat. Hindi naman niya nakita nang bumaba ito. Kumabog ang dibdib niya. Nangangapa pa siya kung paano mabubuksan ang pinto ng kotse. Laking tuwa niya nang kusa iyong bumukas. Bumaba agad siya at tinawag si Nina.
Ngunit wala namang tumugon. Hindi niya alam kung nasaan na si Nina. Nagpagala-gala siya sa bakuran at nang hindi na nakatiis ay tinungo ang front door. Kusa iyong bumukas. Pagpasok niya roon ay isang masangsang na amoy ang sumalubong sa kanya. Parang babaligtad ang kanyang sikmura. Lalabas na sana siya pero biglang sumara ang pinto. Abut-abot ang nadama niyang kaba. Madilim sa loob at hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw.
“Nina,” tawag niya rito. Napakatahimik ng buong kabahayan at tila wala namang tao roon. Mayamaya ay nakarinig siya ng pintong bumukas mula sa kung saan. Humakbang siya. Nakarating siya sa kusina. Sa ayos at hitsura niyon, masasabing matagal nang walang nakatira sa bahay na iyon. Iba na ang tumatakbo sa isip niya. Gusto na niyang lisanin ang bahay na iyon. Subalit may umagaw sa pansin niya - isang pinto na tila papunta sa basement. Nang lapitan niya iyon ay kusa iyonng bumukas. Natakot siya at nagsimula nang manginig. Subalit kataka-takang pumasok siya sa pintong iyon. Ang madilim na hagdan pababa ay natunton niya. Mas masansang na amoy ang sumalubong sa kanya. Nanigas siya nang makarinig siya ng ungol.
“Nina?” Nanlalamig na ang mga palad niya at talampakan. “Ikaw ba `yan? Huwag mo akong tatakutin, Nina.”
Narinig uli niya ang ungol. Hindi na siya nakatiis. Tinakbo niya ang pinto palabas ng basement. Hindi niya alintana ang mga galos na nakamtam niya dulot ng ilang beses na pagkadapa. Pagdating niya sa itaas ay naroon si Nina. Nakasuot ito ng puti at mahabang damit at nakatitig sa kanya.
“Nina,” bulong niya na hindi malaman kung mare-relieve o matatakot nang makita niya ito. “Nasaan ka ba kanina? Bakit bigla ka na lang nawala?”
Hindi ito sumagot.
“Dito ka na tumira, Mark,” mayamaya ay wika nito. “Samahan mo ako. Dito ka na habambuhay.” Inabot nito ang braso niya. Napaigtad siya nang maramdaman ang kakaibang lamig ng palad nito.
“M-may tindahan b-ba rito sa malapit, Nina?” nauutal na tanong niya sa nanginginig na tinig. “L-lalabas na muna ako. M-may importante lang akong bibilhin.”
Hindi ito sumagot. Ganoon man ay humakbang siya patungo sa front door. Nanginginig ang buong katawan niya. Nang makalabas siya ng gate ay hindi niya malaman ang gagawin. Malayo sa mga kapitbahay ang bahay ni Nina. Naglakad siya palayo roon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay makalayo siya dahil kakaiba ang pakiramdam niya kay Nina.
Isang babaeng may bitbit na basket ang nakasalubong niya. Binati niya ito at nagtanong tungkol sa bahay na iyon at sa pamilya ni Nina.
Napantanda ang babae.
“Bakit ho?” nagtatakang tanong niya.
“Eh, patay na ho ang buong pamilya Buendia. M-in-assacre. Mahigit isang taon na ang nakalipas.”
“Ho?” Ganoon na lamang ang pagkagulat niya.
“Wala silang kamag-anak dito sa Pilipinas. Lahat ay nag-migrate na sa Amerika. Ipinagbili nga ang malaking bahay na `yon pero wala namang nagkainteres dahil may nagmumulto raw. Marami ang nagsasabi na si Nina iyon. Hindi pa marahil matatahimik ang kaluluwa niya dahil nga bata pa siya nang mamatay. At saka masyadong brutal ang ginawang pagpatay sa kanya. Ginahasa pa siya at itinago ang katawan sa basement. Pinakahuli ngang nakita ang bangkay niya. Kung hindi pa iyon nangangamoy ay hindi malalamang nasa basement pala.”
Napalunok siya. Kung gayon ay kaluluwa na lamang ni Nina ang muling sumulat sa kanya.
WAKAS

Syndication
No Comment for this post yet...